^

Metro

Pulis, teller todas sa holdap

- Edwin Balasa -

Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang isang emple­yada ng money changer at escort nitong pulis ng apat na hindi pa kilalang kala­laki­han sakay ng dala­wang motor­siklo kama­ka­lawa ng gabi sa San Juan City.

Kinilala ang nasawing mga biktima na sina PO1 Anthony Ventican, nakata­laga sa Re­gional Mobile Group Police Regional Office 1 at Elvie Atchaso, 35, em­pleyada ng money changer shop. Ang mga ito ay na­matay habang nila­lapatan ng lunas sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, habang naka­ligtas naman ang kasama nilang emple­yada na si Diana Se­bellano na himalang hindi man lang tinamaan ng bala nang paulanan ng mga sus­pek ang kanilang sa­sakyan.

Sa ulat, naganap ang insi­dente dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Ortigas Ave. Brgy. Greenhills sa na­sabing lungsod habang lulan ng berdeng Toyota Corolla na may plakang PJL-528 ang mga nasabing bik­tima galing sa isang money changer shop sa Greenhills Shopping Center.

Bigla na lang uma­nong hinarang ito ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motor­siklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang sasakyan ng mga ito.

Matapos pagbabarilin ay agad na binaba ng isa sa mga suspek ang kotse at kinuha ang bag na bitbit ni Atchaso na naglalaman ng hindi pa batid na halaga ng pera bago mabilis na nagsi­takas.

Samantala hindi na­man nakuha ng mga sus­pek ang bag na ha­wak ni Sebellano na nagkunwaring patay na nag­lalaman ng mahigit sa kala­hating milyon piso.

Kasalukuyang nag­sa­sa­­gawa ng masusing imbesti­gas­yon ang pu­lisya para sa ikalulutas ng kaso.

vuukle comment

ANTHONY VENTICAN

DIANA SE

ELVIE ATCHASO

GREENHILLS SHOPPING CENTER

MEDICAL CENTER

MOBILE GROUP POLICE REGIONAL OFFICE

ORTIGAS AVE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with