^

Metro

Player ninakawan ng sigarilyo at bitamina

-

Sigarilyo at bitamina ang tinangay ng hindi pa naki­kilalang magnanakaw sa locker ng Oreta Sports Complex sa Malabon City kahapon ng umaga.

Sa pahayag ni Jessie Tuazon, 47, caretaker ng sports center sa F. Sevilla Boulevard ng lungsod na ito, alas-6:00 ng umaga nang mapansin niya na bukas ang mga locker ng mga tennis player.

Agad na pinagbigay alam nito sa mga pulis ang insidente hanggang mabatid na kinuha ng suspek ang isang kaha ng sigarilyo ni Ronnie Gozon habang halagang P450 ng mga vitamins naman ang nawala kay Pilo Villanueva sa kani-kanilang locker. (Lordeth Bonilla)

Monitor tinangay

Pasok sa piitan ang isang binata habang nakatakas naman ang dalawang hindi pa nakikilalang kasama nito nang tangayin ang monitor ng isang videoke machine sa Malabon City kahapon ng umaga. Nakilala ang na­dakip na si Oliver Carillo “alias Tsukoy”, 26, ng Rimas Road, Potrero ng lungsod na ito. Sa imbestigasyon ni PO3 Robert Miclat, alas-5 ng umaga nang bitbitin ng mga suspek ang 29 inches Sony television ng Kims Canteen sa Mac Arthur Highway, Potrero. (Lordeth Bonilla)

Tindero nagbigti

Isang 16-anyos na tindero ng prutas na si Jerome Laure ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa banyo ng bahay nito sa Carcet St., Quiapo, Manila kahapon ng madaling-araw. Wala pang na­kukuhang im­pormasyon ang imbestigador sa po­sibleng motibo sa pag­papatiwakal ng biktima. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CARCET ST.

JEROME LAURE

JESSIE TUAZON

KIMS CANTEEN

LORDETH BONILLA

LUDY BERMUDO

MAC ARTHUR HIGHWAY

MALABON CITY

OLIVER CARILLO

ORETA SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with