^

Metro

Bading nagnakaw ng pampagamot sa 'papa'

- Edwin Balasa -

Kulungan ang kinasad­lakan ng isang bakla na nagnakaw ng pera’t mga alahas para gastusin sa pagpapagamot ng kan­yang nobyo na nakaratay sa isang pagamutan sa Marikina City.

Kasong theft ang kina­kaharap ngayon ng sus­ pek na si Naddy de Leon, 47, residente ng NHA Area II Balubad, Brgy. Nangka ng nasabing lungsod, mata­pos pag­nakawan ang pamamahay ni Adelaida Cruz, 71, sa Greenheights, sa naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi kamakalawa nang madiskubre ang pagna­nakaw matapos na bu­malik ang pamilya ng bik­tima sa kanilang bahay mula sa maghapong pa­ma­masyal.

Nabatid sa matandang Cruz na nang kanyang tingnan ang loob ng kan­yang kuwarto ay wala na doon ang kanyang mga antigong alahas at P7,000 cash.

Agad namang inimbes­ti­gahan ang suspek na ayon sa pamilya Cruz ay kanilang pinagkaka­tiwala­ang maglabas-masok sa kanilang bahay.

Noong una ay itinanggi ng suspek na may kinala­man siya sa pagnanakaw ng pera at mga alahas ng matandang Cruz subalit nang makuha sa kanya ang mga susi na duplicate sa mga pinto ng kuwarto ng bahay ng biktima ay hindi na ito nakasagot pa.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na kaya naga­wang magnakaw ng sus­pek ay upang ipangtustos sa pagpapagamot sa kan­yang “Papa” na nabaril sa ulo noong nakaraang araw at nakaratay ngayon sa pagamutan.

vuukle comment

ADELAIDA CRUZ

BALUBAD

BRGY

CRUZ

GREENHEIGHTS

KASONG

KULUNGAN

LUMALABAS

MARIKINA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with