^

Metro

Baby pinasinghot ng rugby ng ina

- Rose Tamayo-Tesoro -

Sa kulungan na kahapon nag-Pasko ang isang 19-anyos na ina makaraang arestuhin ito ng pulisya nang pa-singhutin at buhusan nito ng rugby ang 1-taong gulang niyang anak sa Muntinlupa City.

Habang isinusulat ang balitang ito, kahapon ng hapon ay naghihimas pa rin ng malamig na rehas na bakal ang suspect na itinatago sa pa­ngalang “Armie”, residente ng Alabang ng nabang­git na lungsod kung saan posibleng dito na rin ito mag-Bagong Taon dahil sa kina­ka­harap na kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law.

Batay sa ulat, mismong si Aling “Gina”, ina ng suspect ang nagsuplong dito sa pulisya makaraang makaranas ng pagkahilo at ma­dala sa pagamutan ang sanggol na itinatago sa pangalang “Baby Archie” na unang pina-singhot at binuhusan ng rugby sa ulo ng huli noong Miyerkules ng gabi.

Napag-alaman na mula ng isilang umano ng suspect na lulong sa ipinagbabawal na droga ang sanggol ay nakaranas na ito ng pananakit at pagma-maltrato sa una. Desidido si Aling Gina na huwag patawarin ang anak para umano ito matuto.

vuukle comment

ALABANG

ALING GINA

ARMIE

BABY ARCHIE

BAGONG TAON

BATAY

CHILD ABUSE LAW

DESIDIDO

MUNTINLUPA CITY

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with