^

Metro

Mag-ate patay sa sunog

- Edwin Balasa -

Patay ang magka­pa­tid makaraang masunog ang inuupahan nilang apartment kahapon ng umaga sa Pasig City.

Magkayakap pa nang matagpuan ng mga bum­bero ang sunog na bang­kay ng mga biktimang nakilalang sina Mart Jo 18, at Matthew Maglaye, 4, residente ng Moscow St. Greenpark Sub­divi­sion, Manggahan Village ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga habang kap­wa natutulog ang magka­patid sa ikalawang pa­lapag ng inuupahang apartment unit.

Nabatid mula sa mga kapitbahay ng biktima, nakarinig umano sila ng isang malakas na pag­sabog sa loob ng inuupa­hang apartment ng pa­milya Maglaye kasunod nito ang mabilis na pag­kalat ng apoy sa loob nito.

Napag-alaman na kapwa naiwan ang natu­tulog na mag-ate ng ihatid ng kanilang ama na si Ronald ang kanilang ina na si Raquelle sa pina­­pasukan nito.

Matapos ang mahigit isa at kalahating oras tu­magal ang sunog at idi­nek­larang fire-out da­kong alas-8:35 ng umaga.

Samantala, wala na­mang nakikitang pagku­ku­lang ang mga kaga­wad ng Pasig Bureau of Fire Protection (BFP) sa na­turang gusali dahil may­roong itong fire exit na maaring madaanan ng mga biktima.       

Hinala ng mga bum­bero na posibleng ang mabilis na pagkalat ng apoy ang naging dahilan upang makulong at tulu­yang matusta sa sunog ang mag-ateng biktima.

Patuloy naman ang gi­nagawang imbesti­gas­yon para malaman ang san­hi ng nasabing sunog.

vuukle comment

HINALA

MAGKAYAKAP

MANGGAHAN VILLAGE

MART JO

MATTHEW MAGLAYE

MOSCOW ST. GREENPARK SUB

PASIG BUREAU OF FIRE PROTECTION

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with