^

Metro

Kolumnista niratrat, patay

-

Patay ang isang ko­lum­nista ng isang weekly tabloid habang sugatan ang kasama nitong GRO (guest relation officer) ma­karaang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang gun­man, kahapon ng mada­ling-araw sa Cubao, Que­zon City.

Nakilala ang nasawi na si Leonilo Muriel, 47, ko­lum­nista ng tabloid na Bagong Balita at dating photographer, at residente ng San Jose del Monte, Bulacan. Hindi na ito uma­bot ng buhay sa Quezon City Memorial Medical Center.

Ginagamot naman sa naturang pagamutan ang kasamahan ni Muriel na si Altea Villadolid.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaslang pasado alas-4 ng madaling araw sa may Pinatubo St., Cu­bao. Nabatid na kababa lamang nito at ng kasa­mang babae sa isang taxi (TEL-921) nang lapitan ng isang hindi nakilalang lalaki at sunud-sunod na pagba­barilin ang nasawi habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Villadolid.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigas­yon ang pulisya sa motibo ng naturang krimen kung saan ikinokunsidera ang posibilidad na kaugnayan sa trabaho nito bilang kolumnista o kaya naman ay posibleng dahil rin sa babae.

Sinabi ng publisher ng Bagong Balita na si Ric Bello na wala naman silang alam na death threats na natatanggap ni Muriel sa kabila ng mga pagbanat nito sa mga iligal na sugal at beerhouse. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALTEA VILLADOLID

BAGONG BALITA

DANILO GARCIA

LEONILO MURIEL

MURIEL

PINATUBO ST.

QUEZON CITY MEMORIAL MEDICAL CENTER

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

RIC BELLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with