^

Metro

Binata naglason dahil sa malisyosong text

-

Nagpakamatay sa pamamagitan ng paglagok ng silver solution ang isang 23-anyos matapos makatanggap ito ng isang malisyo­song text message hinggil sa live-in-partner nitong guest relation officer (GRO) dahilan upang maghinala ang biktima na may iba na itong kinakasama kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Hindi na nagawa pang maisalba ng mga manggagamot ng Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng pagkasira ng mga vital organ nito ang biktimang si Arturo Buan, ng Jacinto Street, Brgy. Concepcion ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:45 ng hapon nang matagpu­ang bumubula ang bibig ng biktima sa loob ng tahanan nito sa naturang lugar. Nabatid sa mga kapitbahay ng biktima na bago magpatiwakal ang biktima ay palagi na lamang itong walang kibo at tila wala sa sarili hanggang makita nilang may itinapon na garapon si Buan sa labas ng kanyang bahay.

Naghinala ang mga kapitbahay ng biktima kaya’t agarang sinundo ang mga kaanak nito at sinabi ang kanilang nakita na mabilis namang nagtungo sa bahay ng binata at doon natuklasan ang bumubulang bibig ng binata.

Ayon sa ina ng biktima na si Ginang Gennylyn, noong nakalipas na dalawang Linggo ay nakatanggap ng hindi magandang text message ang binata hinggil sa live-in-partner nito na nagtatrabaho sa Alaminos, Pangasinan bilang GRO na naging dahilan ng pagi­ging malungkutin nito hanggang sa magpatiwakal ito. Naghinala ang biktima na may ibang lalaking kinakasama ang kanyang live-in partner kaya naisipan nitong magpakamatay. (Lordeth Bonilla)

ALAMINOS ARTURO BUAN AYON BIKTIMA GINANG GENNYLYN JACINTO STREET LORDETH BONILLA MALABON CITY NAGHINALA TONDO MEDICAL CENTER
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with