^

Metro

P191 big-time rollback sa LPG, ipatupad

- Edwin Balasa, Rose Tamayo-Tesoro -

Iginiit ng Department of Energy (DOE) sa mga kom­panya ng langis na dapat nilang ibaba pa ang presyo ng kanilang produktong liquified petroleum gas (LPG) ng hang­gang P191 kada tangke puwera pa ang nauna ng ibinaba nilang P44 kada tangke ng nakaraang linggo.

Sa naganap na pagpu­pulong ng mga LPG stake­holders sa tanggapan ng DOE na umabot hanggang gabi kamakalawa sinabi ni DOE Secretary Angelo Reyes na sa laki ng ibinaba ng contact price ng produktong LPG sa pandaigdigang pamilihan dapat umanong magbaba ng hanggang P235 kada 11 kg na tangke ang presyo nito sa lokal na pamilihan.

Paliwanag nito na mula sa pinakamataas na $804 kada bariles noong buwan ng Marso nasa $409 na lang kada bariles ang presyo nito ngayong buwan ng Oktubre kaya makatarungan lang umano na magbaba ang mga kompanya ng langis ng na­sabing presyo.

“We expect LPG prices to reflect the drop in the contract price by 39 percent this month. I want the rollback done soon. I don’t want to reach the limit of my patience,” pahayag ni Reyes. Samantala ayon naman kay Petron spokesperson Virginia Rui­vivar, asahan na ng con­sumers ang patuloy na roll­back ng kanilang produktong LPG subalit nilinaw nito na huwag namang asahan na kanilang ibababa ito ng katulad ng sinabi ni Reyes.

Ayon naman kay LPG Marketers Association Arnel Ty, kaya nilang magbaba ng hanggang P15 kada kilo o P161 kada 11 kg na cooking gas subalit ito ay hindi isang bagsakan kundi installment basis ang kanilang gagawin.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

IGINIIT

KADA

LPG

MARKETERS ASSOCIATION ARNEL TY

REYES

SECRETARY ANGELO REYES

SHY

VIRGINIA RUI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with