2 kilabot na 'tulak', tiklo ng PDEA

Dalawang notoryus na ‘tulak’ ng iligal na droga ang na­dakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pagsalakay sa isang bahay na itinuturong drug den kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jonjon Ogo at Gigi Banatac, kapwa residente ng F. Muñoz St., Brgy. 43 Zone 6, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng PDEA-Metro Manila Regional Office, sinalakay ng Bravo team sa pangunguna ni Atty. Carlo Vasquez ang naturang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court.

Ito’y matapos na makarating sa PDEA sa kooperasyon ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang umano’y nagaganap na bentahan ng iligal na droga at paggamit bilang drug den sa naturang bahay. Nakumpiska sa naturang bahay ang ilang gramo ng hinihinalang shabu at mga paraphernalia. Nakaditine ngayon ang mga suspek sa PDEA detention center at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. (Danilo Garcia at Rose Tesoro)

Show comments