^

Metro

Bebot binurdahan ng saksak

-

Binurdahan ng saksak ang katawan ng isang babae na nakahandusay sa paanan ng tulay, sa Intramuros, Maynila, ka­hapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang hindi nakilalang biktima na nasa gulang na 32-37, may taas na 5’2’’-5’3’’, mahaba ang buhok, nakasuot ng puting sando na may disenyo ng bulaklak at dark blue na short pants. Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang ma­tagpuan ang biktima sa paanan ng Jones bridge sa Muelle Del Rio St., Intra­muros, Maynila.

Sinabi ni Efren Bobis, barangay tanod ng Bgy 656 Zone 69, isang di nagpakilalang taxi driver ang nagturo sa kanya hing­gil sa nadaanang nakabu­lag­tang bangkay ng babae kaya niya ito ipinagbigay-alam sa pulisya.

Nabatid na matinding tama ang inabot sa dibdib at likod ng biktima na ikinasawi nito. Posibleng may atraso o hinoldap ang biktima sa nasabing lugar. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BGY

BINURDAHAN

EFREN BOBIS

INILARAWAN

INTRAMUROS

LUDY BERMUDO

MAYNILA

MUELLE DEL RIO ST.

NABATID

POSIBLENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with