^

Metro

P2 rollback sa kada litro ng diesel at kerosene

- Edwin Balasa, Rose Tamayo-Tesoro -

Muling nagsagawa ng mas mataas na P2.00 rollback kada litro sa presyo ng pro­duktong diesel at kerosene ang independent oil player na Unioil kahapon ng tanghali mas mataas kumpara sa P1 kada litrong ini-rollback ng ibang kompanya ng langis.

Ayon kay UniOil spokes­man Raymond Zorilla na hindi na sila nagsagawa ng rollback sa gasoline sa dahilang mas mababa pa rin ang kanilang presyo kumpara sa iba pang Oil companies.        

Ang naturang rollback ng Unioil ay mas mataas kum­para sa P1 kada litrong ibi­naba sa presyo ng pro­duk­tong petrolyo ng Eastern Petroleum, Pilipinas Shell, Petron at Chevron na pawang naging epektibo kahapon ng alas-12:01 ng madaling-araw.        

Nauna dito, dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi ng unang magpatupad ng rollback ang SeaOil.        

Ginawa ng mga kom­panya ng langis ang rollback bunsod na rin sa panawagan ng Malakanyang na magbaba ng kanilang presyo at repleksyon na rin sa pagbaba ng presyo nito sa World Market.        

Magugunita na kamaka­ilan ay minaliit ng Unioil ang ipinapatupad na P1 hanggang P2 kada litro rollback ng ilang kompanya ng langis kumpara sa ipinapatupad nilang P3 rollback.

Samantala, malaki ang hi­nala ng mga sektor ng trans­portasyon na napilitan lamang na mag-oil price rollback ang mga oil companies ng bansa dahil sa bantang tigil-pasada ng mga una.

Ayon sa PISTON, Fejo­dap at 1UTAK, sapilitan lamang umano bawas presyo sa mga produktong petrolyo na panibagong ikinasa ng mga ito dahil na rin sa naka­ambang nationwide transport holiday na iniuumang ng mga tsuper at operators ng bansa.

Nauna rito, magugunita na walang nais magpahayag ng price reduction sa kabila ng labis na pagsadsad ng halaga nito sa world market na uma­bot na lang ng $77 kada-bari­les, ngunit biglang kumam­byo lamang ang mga ito nang magbanta na si Department of Energy (DoE) Secretary Angelo Reyes na ipapa-audit ang mga oil companies. Pa­ngamba tuloy ng mga moto­rista, talagang may anomalya sa libro ng mga ito kung kaya’t ayaw umano nila halos suma­ilalim sa audit.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

EASTERN PETROLEUM

NAUNA

PILIPINAS SHELL

ROLLBACK

SHY

UNIOIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with