^

Metro

Singil sa tubig tataas

-

Itataas ng mga water concessionaires ng P0.31 cubic meters ang singil nila ng tubig simula Nobyembre ng taong ito dahil sa pagbagsak ng halaga ng piso laban sa dolyar. Ayon sa Ayala Manila Water Co., Inc. at Consunji Maynilad Water Services, ang pagtaas ng halaga ng singil sa tubig ay base na rin sa panuntunan ng Foreign Currency Differential Adjustment. Gagawing P0.18 per cubic meter ang itataas sa singil sa tubig ng Manila Waters at Maynilad Waters mula sa kasalukuyang presyo na P0.13.per cubic meters o lumalabas na P0.31 per cubic meter na dagdag sa singil sa tubig. (Angie dela Cruz)

Gym nasunog

Isang gymnasium sa Grace Christian College sa Barangay Balingasa, Quezon City ang tinupok ng apoy kahapon ng mada­ling-araw. Hindi naman nadamay ang mga silid-aralan ng priba­dong paaralan at walang nasaktan sa insidente. Hini­hinalang nag-short circuit ang isang poste ng kuryente sa tabi ng gym dahil na­kitang nagsiklaban ang mga kable nito bago nagkasunog. (Danilo Garcia)

2 tiklo sa rape

Isang binata at isang ama ang inaresto at ikinulong ng pulisya dahil sa magkakahiwalay na kasong panggagahasa sa Caloocan City at Valenzuela City. Si Mark Anthony Arce, 19, ay inakusahang guma­hasa sa kanyang 43-anyos na kapitbahay na misis sa Sta. Rita, Tala, Caloocan kahapon ng madaling-araw. Sa bisa naman ng arrest warrant na ipinalabas ng isang korte, nadakip ng pulisya si Felipe Alcantara, 59. tricycle driver, sa bahay nito sa Valenzuela City makaraang magtago ng matagal sa kasong panggagahasa umano niya sa isa niyang anak na babae. (Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYALA MANILA WATER CO

BARANGAY BALINGASA

CALOOCAN CITY

CONSUNJI MAYNILAD WATER SERVICES

DANILO GARCIA

FELIPE ALCANTARA

FOREIGN CURRENCY DIFFERENTIAL ADJUSTMENT

GRACE CHRISTIAN COLLEGE

ISANG

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with