^

Metro

2-anyos inihabilin ng ina sa kapitbahay, namatay

-

Patay na nang idating sa isang pagamutan ang isang 2-anyos na batang babae ma­tapos itong magtamo ng mga pasa at galos sa katawan kama­kalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Hazel Manalo, naka­tira sa Phase 5, Package 5, Excess Lot, Bagong Silang ng na­banggit na lungsod. Kasalukuyan namang sumasailalim sa interogas­yon ng mga pulis si Marivic Ba­yona, kapitbahay ng bik­tima na sinasabing dito ini­wan ang biktima ng kanyang ina na nakilalang si Reynalyn Manalo.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng hapon nang isugod ni Bayona sa nabang­git na pagamutan ang biktima dahil sa hindi malamang da­hilan, kung saan ayon sa nakalap na impor­masyon ng mga pulis nagtamo ang bata ng mga pasa at galos, na posibleng ito aniya ang isa sa mga dahilan nang pagka­matay nito. 

Dahil dito, agad na inim­bita­han sa himpilan ng pulisya si Bayona at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nito maipaliwanag kung bakit nag­karoon ng pasa at galos ang biktima.

Napag-alaman pa sa mga awtoridad, naiwan kay Ba­yona ang bata ng ina nito na si Rey­nalyn noong Agosto 8, 2008 pero hindi na binali­kan ang anak.

Habang sinusulat naman ang balitang ito ay hindi pa rin nagpapakita sa mga awto­ridad ang ina ng bata habang patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang ­ang tunay na dahilan ng pagka­matay nito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BAYONA

CALOOCAN CITY

EXCESS LOT

HAZEL MANALO

LORDETH BONILLA

MARIVIC BA

REYNALYN MANALO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with