^

Metro

Misis kinaliwa ni mister nagbigti sa NAIA-3

- Nina Rose Tamayo-Tesoro At Ellen Fernando -

Hindi pa man natatapos ang sunud-sunod na kontrobersiya sa Ninoy Aquino International Airport-3, muling binalot ng tensiyon ang naturang paliparan makara­ang isang ginang ang nagtangkang magpakamatay dito sa pamamagitan ng pagbibigti nang malaman nito na may ibang babaeng kinahuhumalingan ang kanyang mister, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Mistulang lantang gulay nang isugod sa MIAA-Medical Clinic ang biktimang si Levie Garma, 42, tubong-San Antonio, Diffun, Qui­rino Province dahil sa matinding pagkakabigti ng scarf sa leeg nito subalit idineklara na itong ligtas.

Ayon kay ret. Gen. Angel Atutubo, assistant general manager for security and emergency services, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang hindi ina­asahang insidente sa mezzanine na nasa ikaapat na palapag ng departure area ng nasabing terminal.

Hindi napansin ng mga nakatalagang guwardya bagaman pinaiiral ang mahigpit na seguridad sa airport ang biktima habang tulirong naglalakad hanggang sa makarating sa 4th floor.

Ayon sa biktima matapos na magka­malay, bigla na lamang sumagi sa isipan nito na wakasan na lamang ang kanyang paghihirap sa pamamagitan nang pagpa­pa­kamatay.

Nabatid na kinuha ng biktima ang dalang scarf at ipinulupot sa kanyang leeg saka tinali sa pintuan na malapit sa ele­vator at nagpa­tihulog upang mapigil ang paghinga.

Aniya, ilang araw na siyang tuliro sa May­nila simula nang maglayas sa kanilang probin­siya upang sundan ang kanyang asawang si Benny na umano’y nahuma­ling at sumama sa ibang babae.

Sa pagsisiyasat, matinding sama ng loob ang nagtulak sa ginang matapos na makipag­hiwalay umano ang mister at tumulak ang huli patungong Cebu City kung saan naroon ang bagong kinaka­sama nitong babae.

vuukle comment

ANGEL ATUTUBO

AYON

CEBU CITY

LEVIE GARMA

MEDICAL CLINIC

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

SAN ANTONIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with