^

Metro

Janitor ‘winakwak’

-

Malagim ang naging kamatayan ng isang janitor makaraang makursunadahan ito ng isang grupo ng kalalakihan na matapos siyang kuyugin at pagtulungang pagtatagain at pagsasaksakin hanggang sa mawarak ang kanyang katawan kahapon ng hatinggabi sa Medina Compound sa Las Piñas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Las Piñas Medical Hospital si Jasper Abarientos, 25, residente ng Blk-17 Lot 2 Medina Compound, Talon 4.

 Nadakip naman at pinagbubugbog rin ng mga bystanders ang isa sa mga suspek na si Ricardo Prollis, 38 ng Medina Compound, Talon 4.

Pauwi na sa bahay ng kanyang ina si Abarientos nang makasalubong nito ang mga suspek na pawang lango sa alak at isa sa mga ito ang tumitig ng masama sa kanya.

Kinursunada at pinagtulungang bugbugin ng mga suspek ang biktima hanggang mapatay ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ABARIENTOS

JASPER ABARIENTOS

KINURSUNADA

LAS PI

MALAGIM

MEDICAL HOSPITAL

MEDINA COMPOUND

RICARDO PROLLIS

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with