^

Metro

Dump truck na may kargang buhangin tumaob uli sa EDSA

-

Matapos na tumaob kamakalawa ang isang trak na may kargang ethanol ay isang dump truck  naman na puno ng buhangin ang tumaob sa nasabi ring lugar sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA), kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Batay sa ulat, pasado alas-3 din ng madaling-araw nang tumaob ang dump truck na may plakang XJV-109 na minamaneho ng isang Pantaleon Sanchez sa Ayala, nabanggit na lungsod. Kumalat sa nasabing lansangan ang kargang buhangin ng na­sabing trak dahilan upang halos pitong oras na humaba ang pila ng mga sasakyan mula Service Road ng EDSA sa Ayala Avenue hanggang sa Guadalupe ng Makati City.

Pasado alas-8 ng umaga nang tuluyang maligpit ang kumalat na buhangin at mahila ng isang crane ang tumaob na trak saka pa nadaanan ng mga motorista ang nasabing lansangan. Luma­labas sa isinagawang imbestigasyon ng Makati Traffic Police na sumalpok sa center island ng kalsada ang dump truck nang ma­walan ito ng giya dahilan upang matanggal ang isang gulong nito, tumaob at kumalat ang kargang buhangin sa gitna ng daan. Galing umano ng Floridablanca sa Pampanga. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYALA

AYALA AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI TRAFFIC POLICE

PANTALEON SANCHEZ

ROSE TAMAYO-TESORO

SANTOS AVENUE

SERVICE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with