QC inulan ng yelo
Umulan ng yelo sa UP Diliman,
Sa isang panayam, sinabi ni Mario Palafox, forecaster ng PAGASA, may ga-buto ng mais ang yelo na bumagsak sa naturang lugar batay na rin sa mga sumbong na naitawag sa kanila ng mga taga-UP na naapektuhan ng pag-ulan ng yelo.
Ayon kay Palafox, ang tawag sa insidenteng ito ay hailstorm o ang tinatawag na comulu nimbus clouds kung saan ang ulap ay pataas at pababa dahil sa malakas na hangin sa itaas. Sa loob anya ng ulap ay may water vapor at kapag ang isang lugar ay masyadong malamig ang temperatura ang water vapor na nasa loob ng ulap ay nagiging water droplet o yelo na hinihila pababa at pataas dahilan na rin sa malakas na hangin.
Ang mga maliliit na yelo anya na nasa ulap ay nagsasalpukan habang pataas at pababa at dahil sa lumalaki ang yelo at hindi na ito nakakayanan sa himpapawid ito ay bumabagsak na buo pa at hindi agad natutunaw kaya’t pagbagsak sa lupa ay yelo pa ito. Gayunman, wala naman
- Latest
- Trending



















