^

Metro

1 patay, 1 sugatan sa humarurot na kotse

-

Nagkalasug-lasog  ang katawan ng isang lalaki habang ma­lubhang nasugatan ang isa pa makaraang suyurin  sila ng isang  rumaragasang kotse sa Quezon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Anton Nogan, 25-30 anyos, ng Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth sa naturang lunsod.

Isinugod naman sa Malvar General Hospital sanhi ng pagkakabagok ng katawan ang isa pang biktimang si Teresita Santos, 45, walang tiyak na tirahan.

Ayon sa ilang saksi, bago ang insidente ay nakatayo ang mga biktima sa ilalim ng Metro Manila Development Authority footbridge na malapit sa Barangay Commonwealth hall sa Commonwealth Avenue.

Maya-maya lang ay biglang sumulpot ang humahagibis na isang kulay pulang Mitsubishi na minamameho ng suspek na si  Adrian Briato, 28, at natumbok ang dalawang  biktima. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ADRIAN BRIATO

ANTON NOGAN

BARANGAY COMMONWEALTH

COMMONWEALTH AVENUE

MALVAR GENERAL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with