^

Metro

Binata nanghablot ng cellphone

-

Dahilan sa labis na gutom, isang 18-anyos na binata ang nang-agaw ng cell phone ng isang 16 anyos na estudyante pero minalas naman siyang maaresto ng taumbayan sa lungsod ng Malabon kahapon ng madaling araw.

“Pambili lang po sana ng pagkain,” ito ang katwiran ni Michael Viligan, walang trabaho, ng Estao St., Brgy. Tugatog sa lungsod ma­tapos na dalhin sa tanggapan ng pulisya ng mga nakaaresong taumbayan.

Nabawi rin kay Viligan ang isang Nokia cellphone ng biktimang si Arlinda Caete, at residente sa 142 Gov. Pascual St., Brgy. Sipac Navotas City.

Sa ulat ni PO1 Benjamin Sy Jr., nangyari ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling- araw sa may Inocencia St., Brgy. Tugatog Malabon City. Naglalakad ang biktima kasama ang kan­yang kaibigan nang biglang hinarang ang mga ito ng suspek at hinablot ang cell­phone ng una na nakakuwintas sa kanyang leeg saka mabilis na tumakas.

Agad naman nagsisigaw ng paghingi ng saklolo ang biktima na nagbigay atensyon sa mga istambay at hinabol ang suspek hanggang sa maaresto. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARLINDA CAETE

BENJAMIN SY JR.

BRGY

ESTAO ST.

INOCENCIA ST.

MICHAEL VILIGAN

PASCUAL ST.

RICKY TULIPAT

SIPAC NAVOTAS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with