^

Metro

Lalaki nagbigti sa billboard

- Edwin Balasa -

Isang hindi pa nakikila­lang lalaki ang iniulat na nag­bigti sa itaas ng ma­laking billboard kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Gayunman, masusi pang inaalam ng puilsya kung binigti o kusang nag­bigti ang biktima na  tinata­yang nasa edad 50-hang­gang 55-anyos, nakasuot na maroon t-shirt at short pants.

Ayon kay SPO4 Jaime Masilang ng Mandaluyong PNP, dakong alas-9 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen at ipina­alam sa kanila ang pagka­katagpo sa biktima  naka­bigti sa itaas ng malaking billboard ng isang kilalang dermatologist sa kahabaan ng Brgy. Barangka Ilaya ng lungsod na ito.

Agad namang rumes­ponde ang pulisya sa na­sabing lugar kasama ang Scene of the Crime Opera­tives ng Eastern Police Dis­trict (SOCO-EPD) at tu­mam­bad sa kanila ang bik­tima sa itaas ng billboard na nakabigti ng nylon cord sa leeg at nakapulupot sa bakal nito.

Sa pagsisiyasat ni Ma­silang, nabatid kay Rogelio Magdasal, security guard ng katabing gusali ng pi­nangyarihan ng insidente na napansin na umano niya ang biktima ng ma­daling-araw pa lang ay palakad-lakad at tila balisa ang kilos ng naturang lalaki subalit ipinagwalang ba­hala niya ito.

Ilang oras ang naka­lipas dagdag pa ng sekyu ay laking gulat na lamang nito nang magkagulo ang mga dumadaang tao sa lugar dahil sa pagkaka­tuklas ng bangkay ng bik­tima na nakabigti na sa itaas ng billboard.

Kasalukuyang dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime laboratory upang sumailalim sa aw­top­siya para malaman kung may foul play na na­ganap sa nasabing in­sidente.

Samantala, isang 22-anyos na babae ang iniulat na nagbigti rin kahapon ng umaga sa Pasay City.

Wala nang buhay nang matagpuan dakong alas- 9 ng umaga na nakabitin sa kisame ng bahay ang bik­timang si Rowena Develos, ng #68 Apollo 12, San Gre­gorio Village ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas naman sa isinagawang pagsisiyasat ng scene of the crime in­ves­­tigators, na may mala­king kaugnayan ang pag­pa­patiwakal ng biktima sa namumuong sigalot at pag-kontra ng kanyang pa­ milya sa pakikipagrelas­yon nito sa kinakasama na kinila­lang si Alvin Adeva. (Dagdag ulat ni Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALVIN ADEVA

BARANGKA ILAYA

EASTERN POLICE DIS

JAIME MASILANG

MANDALUYONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with