^

Metro

Misa kay Lozada, PNP umalerto uli

-

Mahigpit na seguridad ang ilalatag ng pamu­nuan ng Eastern Police District (EPD) sa gagana­ping misa na binuo ni dating Pangulong Corazon Aquino para kay NBN-ZTE Broadband deal star witness Rodolfo “Noel” Lozada ngayong umaga sa De La Salle sa Greenhilss sa Mandaluyong.

Ayon kay EPD Director chief Supt. Leon Nilo Dela Cruz, ikakalat niya ang kanyang kapulisan sa loob at labas ng La Salle upang masiguro na walang magiging problema sa gaganaping 10:00 ng umagang misa sa kanilang chapel na inaasa­hang dadaluhan ng mga kilalang personalidad, civil society groups at mga militante na panig kay Lozada.

“All entry and exit points of the school will strictly guarded to ensure the safety of those who want to attend the mass,” pahayag ni dela Cruz.

Bukod sa kapulisan ay nagtalaga din ng mga traffic enforcer sa paligid para naman mamintena ang kaayusan ng daloy ng trapiko habang isinasa­gawa ang nasabing misa.

Sa gagawing misa ay inaasahang dadalo ang mga kilalang personalidad upang sumuporta kay Lozada. Inaasahan ding dadalo si dating Pa­ngu­long Joseph Estrada gayundin ang mga miyem­bro ng oposisyon.

Ayon kay Carl Ala, tagapagsalita ng KMP, buong puwersa silang magtutungo sa La Salle bilang suporta kay Lozada gayundin ang patuloy ng kanilang panawagan sa pagpapatalsik kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. (Edwin Balasa at Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CARL ALA

DE LA SALLE

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

JOSEPH ESTRADA

JOY CANTOS

LA SALLE

LOZADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with