^

Metro

Naliitan sa naholdap, litson manok kinulimbat

-

Pinagtiyagaan na lamang tangayin ng dalawang holdaper ang mga panindang litson manok ng isang iha­wan matapos na maliitan sa perang kanilang nakulimbat kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 2, pinasok ng mga hinihinalang “Resto Gang” ang sangay ng Andok’s Litson sa #49-C Mindanao Avenue, Brgy. Pag-asa dakong alas-4:30 ng umaga.

Sinabi ni Jake Miral, kahero, nagpanggap na kostumer ang dalawang suspek at umorder muna ng dalawang litson manok. 

Inihahanda na niya ang order ng mga suspek nang biglang tutukan siya nito ng patalim at nagdeklara ng holdap.Walang nagawa naman si Miral kung hindi ibigay ang kita ng tindahan na aabot ng P3,000. 

Ngunit naliitan sa pera ang mga suspek kaya inutusan si Miral na ibalot sa plastic ang lahat ng litson manok sa tindahan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo bitbit ang mga litsong manok at nagtungo sa direksyon ng Cubao. (Danilo Garcia

vuukle comment

ANDOK

BRGY

C MINDANAO AVENUE

DANILO GARCIA

JAKE MIRAL

MIRAL

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

RESTO GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with