^

Metro

Suhulan sa kontrata ng basura, kinumpirma

-

Sa Manila Pavilion Hotel sa United Nations Ave. ibinigay ng “middle man” ang suhol para makuha ang kontrata ng basura.

Ito naman ang kinum­pirma ng dalawang Manila councilors kasabay ng pahayag ng mga ito na iisa ang taong nagtungo at nagtangkang manuhol kay Manila Vice Mayor Isko Moreno at nagbigay ng pera sa mga konsehal na naroon sa nasabing hotel.

Ayon sa dalawang kon­sehal, sa kalagitnaan ng pagpupulong ay walang   kaabug-abog na ibinigay ng “middle man” ang P40,000 sa bawat konsehal na  dumating. Nais umano nito na makuha ang suporta ng mga konsehal upang mapaboran umano ang “MPI” at makuha ang kon­ trata para sa koleksiyon ng  basura sa lungsod.

Maliban sa isang dating city official, dalawang lala­king konsehal na isa dito ay baguhan ang tumayo ding ‘middle man’ na katulong nila sa konseho.

“Masyadong garapal ang mga taong ito.  Lalo na yung dalawang kasama­han naming konsehal na talaga namang notorious sa paggawa ng pera,” ayon sa sources.

Ilan naman sa mga hindi tumanggap ng P40,000 bribe money sina Councilors Honey Lacuna-Pangan, Dennis Lacuna at Rolando Valeriano.

Tinangka ng mga ito na suhulan si Moreno subalit tinanggihan ito ng  bise alkalde kasabay ng paha­yag na sumali sa bidding at sundin ang proseso.

Idinagdag pa ni Moreno na kung capable naman ang sinumang bidder ay walang dapat na ikatakot ang mga ito dahil ang buong konseho ang mag­de­desisyon at hindi iilan lamang. (Doris Franche)

vuukle comment

COUNCILORS HONEY LACUNA-PANGAN

DENNIS LACUNA

DORIS FRANCHE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with