^

Metro

Buntis binoga sa ulo

-

Namatay matapos barilin sa ulo ang isang buntis habang kritikal naman ang mister nito na nagtamo rin ng tama ng bala sa  may estero, na tinaguriang ‘Little Vietnam” sa Quiapo, Maynila kahapon ng hapon.

Batay sa sketchy report ng Manila Police District, ang namatay ay nakilala lamang sa pangalang Mercy Bandao at ang asawa nito na nakikipaglaban pa kay kamatayan ay kinilalang si  Ismael, 29, na nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Isang follow-up operation ang isinasagawa ng Manila Police District-Station 3 upang matukoy ang moibo at madakip ang mga salarin.

Nabatid na ang insidente ay naganap dakong 3:15 ng hapon sa Arlegui St., sa tabi ng creek na tinawag na Vietnam Village sa Quiapo.

Naglalakad umano ang mag-asawa nang malapitang barilin ng salarin.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mag-asawa ngunit binawian na ng buhay ang ginang.

Pinaniniwalaang may kinalaman din sa iligal na droga ang dahilan ng pamamaril. Base na rin ito sa mga ulat na ang nasabing lugar ay ‘pugad’ ng mga bigtime drug trafficker na pumapatay ng mga hindi nakapagbabayad sa kinuhang consignment na droga partikular ang shabu. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARLEGUI ST.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LITTLE VIETNAM

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MERCY BANDAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with