^

Metro

Lolo kinatay ng ampon

- Ni Angie dela Cruz -

Binurda ng saksak ang katawan ng isang lolo ng kan­yang  ampon  kahapon ng umaga sa Quezon City.

Namatay noon din sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang lolo na si  Manuel Tamayo, 55, resi­dente ng 68 Panta­bangan St., NIA Village, Barangay Sauyo, Nova­­liches, Quezon City.

Nadakip naman agad at ngayon ay nakadetine sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang suspek na si Allan Salaño, 18, binata, walang trabaho ng natu­ran ding lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng QCPD-station 3, dakong alas-7:20 ng umaga nang ma­ganap ang krimen sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Bago rito, naulinigan ng mga kapitbahay na nagta­talo ang biktima at ang ampon nitong binatilyo sa hindi nila malamang dahil­an. Ilang san­dali pa ay na­rinig nila ang pagpa­lahaw ng sigaw ng ma­tanda na noon pala ay pinag­sa­saksak na ng ampon.

Mabilis na humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang kapitbahay ng biktima na agad namang naaresto ang suspect. Hindi na nagawa pang isugod sa pagamutan ang ma­tanda dahil agad itong na­matay dahil sa mga tina­mong saksak sa katawan.

Hindi pa malaman ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.

vuukle comment

ALLAN SALA

BARANGAY SAUYO

CITY

MANUEL TAMAYO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with