^

Metro

Namaril sa korte timbog na

- Angie dela Cruz, -

Inaresto  ng mga awto­ridad  ang mister na hinihi­na­lang bumaril at naka­patay sa kanyang asawa at sa abogado nito sa loob ng court room sa Las Piñas City matapos matunton sa pinagtaguang bahay, ka­ma­kalawa ng gabi sa Taguig City.

Tinangka pang puma­lag ng suspect na si Ro­berto Tubale, alyas Allan, 51, nang dakpin siya ng mga pulis habang papa­sok sa bahay ng kanyang pin­san sa Zone 6 Signal Vil­lage, Taguig dakong alas-11 ng gabi subalit kaagad siyang napagsalikupan ng mga awtoridad.

Nakumpiska ng pulisya sa suspect ang isang ka­libre .45 baril na bagama’t may kaukulang lisensiya ay wala naman siyang maipa­kitang permit to carry.

Matapos dalhin sa head­quarter ng pulisya ay tinangka pang saktan ng  sariling anak si Tubale at mga galit na kaanak ng na­sawing abogadang si Re­becca Basa subalit naawat kaagad ng mga pulis ang mga ito.

Mariin namang itinang­gi ni Tubale ang pamamas­lang sa asawang si Lolita at kay Atty. Basa bagama’t may ipinahiwatig siya sa pulisya na may hinala siya na may ibang lalaki sa buhay ng asawa kaya’t naghain na ng annulment case laban sa kanya.

Tumanggi rin ang sus­pect na magpasailalim sa paraffin test upang alamin kung nagpaputok siya ng baril at sinabing hihintayin na lamang niya ang kan­yang abogado na magta­tanggol sa kanyang kaso.

Batay naman sa imbes­ti­gasyon ng pulisya, ma­tagal na panahon ang ginu­gol ni Tubale sa pagiging seaman at ibinunton niya sa kanyang asawang si Lolita ang pagkaubos ng kanilang kabuhayan kaya’t lagi nitong sinasaktan ang asawa hanggang sa mag­pasya ng makipaghiwalay at maghain ng annulment case ng kanilang kasal ang ginang.

Magugunita na hinihin­tay ng biktima at kanyang abogado ang pagsisimula ng pagdinig sa naturang kaso sa sala ni Judge Jose­lito Vibandor ng Branch 199 dakong alas-10:40 ng umaga kamaka­lawa nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril sa ulo ang mga biktima bago naglakad lamang nang tumakas.

Kahapon ay sinampa­han na ng pulisya ng kasong murder at parricide ang suspect.

vuukle comment

BASA

JUDGE JOSE

LAS PI

LOLITA

SHY

SIGNAL VIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with