^

Metro

Police Bits

-

2 karnaper timbog

Dalawang kilabot na karnaper ang natimbog ng mga tauhan ng Quezon City Police sa isinagawang operasyon sa Pampanga. Nakilala ang mga suspek na sina Danilo Tizon, 40, at Raymond Garcia, 21, kapwa residente ng Gatbuca, Calumpit, Bulacan. Sa ulat ng QCPD-Anti Carnapping Section, humingi ng saklolo nitong Martes ng madaling-araw ang biktimang si Benigno Alcan­tara matapos na mawala ang kanyang itim na Hyundai Starex van (XJS-752) na nakaparada sa tapat ng kanyang bahay sa #89 K2 St., Kamuning, Quezon City. Agad namang nagpa­labas ng alarma ang QCPD at nakipagkoordinasyon sa Pam­panga at Bulacan Police Provincial Office na pangunahing pinag­da­dalhan ng mga nakaw na mga sasakyan. Natunton naman ang nina­kaw na sasakyan na nakaparada sa may  McArthur Highway sa San Vicente, Apalit, Pampanga na dito lulan ang dalawang sus­pect na walang maipakitang papeles o dokumento ng sasakyan kung kaya agad na dinakip ang mga ito. (Danilo Garcia)

Driver napagkamalan, tinodas

Patay ang isang FX driver matapos na ito ay barilin ng isang lalaki na hinihinalang napagkamalan siyang kaaway, kama­kalawa ng gabi sa Pasig City. Nakilala ang nasawi na si  Alvin Salvo 22. binata at residente ng Palar, Makati City. Mabilis namang tumakas  ang isang grupo ng mga hindi pa kilalang mga kalalakihan na responsable sa pagpaslang sa biktima. Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:20 ng gabi sa kahabaan ng Kapitan Ato St., Brgy. Sta Cruz ng nasabing lung­sod. Nabatid na kakaparada pa lamang  ng minamanehong FX taxi ng biktima sa bahay ng kanyang amo ng tawagin ito ng grupo ng suspek. Nang lumapit  ang biktima   ay kinumpronta ito at ilang saglit lang ay bigla na lang itong binaril ng isa sa mga salarin bago mabilis na nagsitakas. Agad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima subalit nasawi din ito ilang minuto ang nakalipas dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang dibdib. Isang manhunt operation naman ang isinasa­gawa ng mga kagawad ng Pasig police para sa agarang pagka­kadakip sa grupo ng mga suspek. (Edwin Balasa)

 

vuukle comment

ALVIN SALVO

ANTI CARNAPPING SECTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with