^

Metro

ATM gang todas sa shootout

-

Patay ang isang hini­hinalang holdaper na umano’y miyembro ng ATM hold-up gang ma­tapos na makipagpalitan ng putok sa mga miyem­bro ng Quezon City Police District makara­ang maka­pambiktima ito at isa pang kasamahan, ka­hapon ng madaling-araw sa natu­rang lungsod.

Patuloy na kinikilala ng pulisya ang nasawing sus­pek na nasa pagitan ng edad na 20-25 anyos kung saan tinamaan ito ng bala sa ulo habang naka­takas naman ang kasa­ma­han nito.

Sa ulat ng QCPD-Sta­tion 7 (Cubao), naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa panulukan ng 9th Avenue at P. Tuazon St. sa Cubao kung saan nag­sasagawa ng mobile patrol opera­tions ang pulisya.

Nauna dito, nabatid na nabiktima ng mga suspek si Ramon Lacorte, 25, nang holdapin ng dala­wang lalaki matapos na mag-withdraw ito sa ATM booth ng isang bangko sa 16th Avenue. Agad siyang tinutukan ng baril ng mga suspek at tina­ngay ang P3,000 niyang cash.

Agad naman itong nag-ulat sa Station 7 na nag­sagawa ng follow-up ope­ration.

Namataan ng mga pulis ang dalawang suspek na kahina-hinala ang kilos sa naturang lugar na tinangka nilang lapitan ngunit agad silang pinaputukan ng mga ito.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis kung saan napuruhan ang na­sawing holdaper. Wala namang tinamaan sa mga pulis kung saan nahagip lamang ang kanilang sa­sakyan.  Nare­kober sa bik­tima ang kalibre .38 baril at mga bala na gina­mit nito sa pakikipag­barilan.

Ayon kay Cubao po­lice station chief, Supt. Popoy Lipana, tinatawag nilang ATM Gang ang naturang mga suspek na talamak sa bisinidad ng Araneta Center.  Estilo umano ng mga suspek na mag-abang ng mga mag­wi-withdraw sa binabanta­yang ATM booth at saka hoholdapin pag­labas ng biktima. 

Umaabot umano sa 3 hanggang 4 na insidente ng naturang pangho­holdap ang nagaganap sa bisi­nidad ng Cubao sa isang gabi kaya pinaigting nila ang pagpa­patrulya sa lugar upang masawata ang mga ito.  (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARANETA CENTER

CUBAO

DANILO GARCIA

POPOY LIPANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with