^

Metro

Pulis wanted sa pamamaril sa ka-live in

-

Dala ng sobrang kalasingan at init ng ulo, binaril ng isang pulis-Maynila ang live-in partner nito matapos ang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Tondo, May­nila.

Ang biktimang si Teresita Katipunan, 32, residente ng 2941 Banal Street, Tondo ay gi­nagamot sa Chinese General Hospital  sanhi ng tama ng bala sa ka­nang  hita.

Pinaghahanap na­man ng pulisya ang  sus­­pek na si PO3 Gary Salcedo, nakatalaga sa  Manila Police District -Mobile Patrol Unit (DMPD) na tumakas  matapos ang pama­maril.

Lumalabas na nag­karoon umano ng ma­initang pagtatalo ang suspek at biktima nang  tumanggi umano ang huli sa kahilingan ng una na iurong na ang  reklamong isinampa laban sa kanya at pin­san nito.

Bunsod ng sobrang init ng ulo at umano’y  ka­­la­­singan, mabilis na nagbunot umano ng baril ang suspek at bi­naril ang  biktima. (Grace Amargo Dela Cruz)

vuukle comment

BANAL STREET

CHINESE GENERAL

GARY SALCEDO

GRACE AMARGO DELA CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with