^

Metro

Torso ng babae napulot

- Edwin Balasa -

Isang torso o kata­wan ng hindi pa kilalang babae ang natagpuan sa loob ng  isang plastic bag sa isang tam­bakan ng basura sa San Juan City kahapon ng umaga.

Bandang alas-8:00 ng umaga nang unang makita ng labanderang si Alicia Lopez, 57, ang katawan ng biktima sa kanto ng J. Basa at Lope K. Santos Streets sa  Barangay Pedro Cruz ng naturang lungsod.

Naglalakad sa nasa­bing lugar si Lopez nang mapansin niya ang mga nagkalat na damit sa tambakan ng basura.

Kinuha isa-isa ni Lopez ang mga damit na nakalagay pa ang iba sa sako nang ma­pansin niya ang isang itim na plastic bag.

Sa pag-aakalang pakikinabangan pa ang laman ng bag ay agad niya itong binuksan subalit laking pagka­gimbal nito ng tumam­bad sa kanya ang du­guang torso ng biktima.

Dahil dito, nagpatu­long siya sa mga resi­dente roon na siyang tumawag ng pulis.

Sinabi ng pulisya na tanging pagkakaki­lanlan sa biktima ang balat sa itaas ng pu­witan nito at isang pan­talong maong  na may pangalang Delia Ra­mirez.

Lumalabas din sa imbestigasyon na po­sibleng may malaking  galit ang salarin sa biktima dahil nilaslas pa ang ari nito.

Hinihinala ng pu­lisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang ang kata­wan nito sa nasabing basurahan.

vuukle comment

ALICIA LOPEZ

BARANGAY PEDRO CRUZ

DELIA RA

LOPE K

LOPEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with