^

Metro

The power of two

- Rissa M. Samson -

Isang kalunus-lunos na  kamatayan ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang  babae nang matagpuan itong tadtad ng saksak at sinunog ang  katawan  sa loob ng inu­upa­han nitong bahay kahapon ng umaga sa lungsod Caloocan.

Base sa paglalarawan ng  pulisya,  ang biktima ay  tina­ta­yang nasa edad na 30-35, may taas na 5’4’’, kulot ang itim na buhok,  pan­sa­man­ta­lang na­ngu­ngupahan #2235 Avocado St., Area D, Camarin ng na­banggit na lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa imbestigasyon ni  PO3 Generoso Rosales, ng Station Investigation Branch (SIB), Caloocan City Police,  dakong alas-10 ng umaga nang madiskubre ang bang­kay ng biktima sa loob mismo ng inu­upahan nitong bahay sa naturang lugar.

Nabatid kay  Rosa Solive­ros, kapitbahay ng biktima, nakarinig siya ng isang ma­lakas na sigaw  ng isang babae na parang humi­hingi ng tulong,  na nagmumula sa inu­upahang bahay ng biktima. Ngunit  hindi umano niya ito pinan­sin sa hina­lang natural lang na mag­karoon ng konting sigalot ng magkakasama sa bahay.

Hanggang sa tuluyang tu­ma­himik at makalipas ang isang oras nang mapansin umano niya ang paglabas ng isang hindi nakikilalang lalaki mula sa bahay ng biktima.

Dito, agad na naki-usyoso si Soliveros sa bahay ng bik­tima at sinubukang kumatok subalit wala umanong suma­sagot kaya’t tinangka nitong itulak ang pinto ngunit naka-lock ito sa loob.

Dahil duda si Soliveros, hu­mingi ito ng tulong  sa ilang kapit­bahay at pilit na binuksan ang pinto ng bahay at laking gulat ng mga nakasaksi nang mabuksan at mabungarang may mga usok pa mula sa nasusunog na mga damit na itinambak sa bangkay ng bik­tima na tadtad din ng saksak sa leeg at iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon pa kay PO3 Rosales, halos ilang araw pa lamang umanong nakakalipat ang biktima sa inuupahang bahay kaya’t hindi pa ito gaanong kilala  ng kanyang mga kapit­bahay at hinihinalang may matinding galit ang suspek sa babae dahil sa pamamaraan ng ginawang pagpatay dito.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang ma­tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at kung sino ang lalaking salarin at kung ano ang tunay na motibo nito sa pamamaslang.

vuukle comment

AREA D

AVOCADO ST.

BAHAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with