^

Metro

The healing power of love and laughter

MY FAVORITE MOVIE - Amy Lee -

Nabahiran na ng dugo ang kabi-kabilang panggi­gipit kay Genuine Opposi­tion (GO) senatorial bet Alan Cayetano nang tam­ba­ngan at mapatay ang isa sa mga political leader nito, samantalang sugatan na­man ang isa pa sa lungsod ng Taguig.

Si Epimaco Pepito, 49, may-asawa, retired Phil Army member at residente ng #61 8th St., Purok 10-B, Zone 1, Signal Village, ay idineklarang dead on the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan. Suga­tan naman ang kasamahan nito na inoobser­ba­han sa Orthopedic Hospital na kini­lalang si Minda C. Fer­nan­dez, 54, #37 Chesa St., Zone 1, Signal Village.

Sila ay mga tauhan ni Dis­­trict  2 congressional bet ret. Gen. Arturo Alit na ma­nok naman ni Cayetano. Ka­tung­gali ni Alit si con­gressional bet Henry Jun Duenas.

Nabatid na pasado ala-1 ng madaling-araw ka­hapon, kagagaling lamang nina Pepito at Fernandez sa G-House ni Alit nang big­la na lamang silang papu­tukan ng tatlong mga sus­pect habang sakay ng isang Tamaraw FX. Hinala ng ilan, posible uma­nong si Alit ang target ng mga sa­larin at napagkamalan lamang ang mga biktima.

Sa congressional race ng District 2 sa Taguig, na­ngu­­nguna sa bilangan si Jet Reyes, habang naka­dikit sa kanya si Alit at pang-ilalim naman si Duenas.        

Ayaw magsalita ni Alit kung sino ang kanyang pinaghi­hinalaan, ngunit sa panayam, sinabi nitong ‘there is strong possibility na pulitika,  pero ayaw ko pa munang mag-comment.’

Sa kaugnay na balita, tuluyan nang nakamit ang panalo ni Taguig 1 District congressional bet Ma. Laarni ‘Lani’ Cayetano nang talunin nito ang ka­tunggaling si Arnel Men­diola Cerafica sa lamang na 2,489 votes na kakampi naman ni Tinga.

Si Lani ay nakakuha ng 30,969 votes kontra kay Cera­fica na  may 28,480 boto, samantalang malayo naman sa kanila ang isa pang con­gressional bet na si Jose Pepe Capco sa botong 5,558.

vuukle comment

ALAN CAYETANO

ARNEL MEN

ARTURO ALIT

SHY

SIGNAL VILLAGE

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with