^

Metro

2 sekyu natagpuang patay

-
Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon ang pagkamatay ng dalawang security guard sa loob ng mga binabantayan nilang bodega sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Nakilala ang isa sa biktima na si Romeo Calosor, 31, ng Baltazar St., 5th Avenue, Caloocan City, habang ang isa naman ay patuloy na kinikilala, ito ay nasa pagitan ng edad na 35-40, 5’5 talampakan ang taas, may katabaan at maitim.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Calosor sa loob ng guard house ng binabantayan nitong estbalisimento na nasa D. Aquino St., 5th Avenue corner 6th Avenue ng nasabing lungsod.

Sa isinagawa namang pagsisiyasat ng SOCO Team, walang nakitang anumang senyales na sanhi ng pagkamatay ng biktima sa katawan nito. Posible umano na may sakit ang biktima at ina take ito o kaya naman ay binangungot habang natutulog.

Dakong alas-5 ng umaga naman nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang sekyu sa loob ng bodega sa Area B, Camarin, Caloocan na pag-aari ni Rep. Baby Asistio.

Ayon sa mga residente, nakarinig umano sila na may nagtatalo kama kalawa ng gabi. Natagpuan ang biktima na basag ang bungo matapos na paluin ng matigas na bagay at nakapiring pa ang mata ng isang puting tela. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AQUINO ST.

AREA B

AYON

BABY ASISTIO

BALTAZAR ST.

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

ROMEO CALOSOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with