^

Metro

Ex-pulis, patay sa 2 kainuman

-
Patay ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang pagtulungang gulpihin ng dalawa nitong kainuman sa loob ng isang videoke bar sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si Demetrio Adajar, 53, biyudo at tubong Mindanao matapos na magtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan.

Samantala, pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang kainuman ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang. Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob ng Jomril Videoke Bar sa kanto ng Main Ave. at 4th Ave., Brgy. Bagong Lipunan, QC.

Lumilitaw na papauwi na ang biktima kasama ang dalawang suspect nang magkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga ito hanggang sa tuluyan nang mag-init ang mga ulo at pinagtulungang gulpihin ng mga suspect ang biktima. Tumigil lamang ang mga suspect nang makitang humandusay na ang biktima.

Inaalam pa rin ng pulisya ang tunay na motibo ng pamamaslang sa biktima. (Doris Franche)

vuukle comment

BAGONG LIPUNAN

BRGY

DEMETRIO ADAJAR

DORIS FRANCHE

INAALAM

JOMRIL VIDEOKE BAR

MAIN AVE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with