^

Metro

Nagduwelo: 2 tigok

-
Selos ang tinuturong dahilan sa pagkamatay ng dalawang lalaki na kapwa nagduwelo sa pamamagitan ng patalim sa Las Piñas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Josephus Angan, Las Piñas police chief, ang mga nasawi na sina Felix Modrigo, 37, at isang nagngangalang "Boknoy," jeepney driver, kapwa residente ng 340 Basa Compound, Zapote, Las Piñas City. Namatay ang mga ito habang ginagamot sa Las Piñas District Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Romeo Britanico, officer-on-case, nagduwelo ang dalawa dakong alas-9 ng umaga sa harapan ng bahay ni Boknoy sa Basa Compound, Las Piñas City.

Sa salaysay ng ilang saksi, nilusob umano ni Modrigo si Boknoy upang kumprontahin sa nababalitang pangliligaw ng huli sa kanyang live-in-partner na nakilala lamang sa pangalang Flor.

Nangatwiran si Boknoy na ikinapikon ni Modrigo hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo at humantong sa pagbunot ng kani-kanilang mga patalim at nauwi sa saksakan.

Kapwa natumba na duguan matapos magduwelo na sanhi ng pagkamatay.

Nagtataka naman ang pulisya kung bakit hindi makita ang mga ginamit na patalim ng dalawa, samantalang ang mga ito ay nagsaksakan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BASA COMPOUND

BOKNOY

DISTRICT HOSPITAL

FELIX MODRIGO

JOSEPHUS ANGAN

LAS PI

LORDETH BONILLA

MODRIGO

ROMEO BRITANICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with