^

Metro

Bulaong uupo na bilang NBI director?

-
Nakatakdang umupo bilang bagong direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) si ret. Gen. Pedro Bulaong ngayong darating na Enero 14 matapos na aprubahan na umano ng Malacañang ang "appointment" nito.

Ayon sa isang insidente ng NBI, pirmado na umano ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang papeles ni Bulaong bilang bagong direktor kapalit ni Atty. Nestor Mantaring na nakatakda namang ilipat bilang bagong assistant secretary umano sa Department of Justice (DOJ) dahil sa hindi pa ito umaabot sa "mandatory retiring age".

Hindi naman kinumpirma ni Alex Carbonel, hepe ng NBI-Public Information Office, ang naturang ulat dahil sa wala pa naman umano silang natatanggap na opisyal na memorandum ukol sa pagpapalit ng pinuno ng ahensiya.

Sinabi nito na matagal nang may mga ulat na hihirangin nga si Bulaong bilang bagong NBI chief matapos na italaga ito bilang assistant director ngunit wala pang kumpirmasyon.

Tinangka naman ng PSN na kunin ang pahayag nina Mantaring at Bulaong ngunit abala ang mga ito ukol sa pagbibigay ng seguridad sa ginaganap na ASEAN Summit sa Cebu City. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEX CARBONEL

BULAONG

CEBU CITY

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR MANTARING

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEDRO BULAONG

PUBLIC INFORMATION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with