^

Metro

Gov. Valera nagpiyansa na!

- Doris Franche-Borja -
Pansamantalang nakalaya kahapon matapos na maglagak ng piyansa si   Abra Governor Vicente Valera, ang pangunahing suspect sa pamamaslang kay Abra Congressman Luis Bersamin ng halagang P310,000 sa limang kaso ng illegal possession  na isinampa dito sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Dakong alas-10:30 ng umaga nang dalhin si Valera ng kanyang mga custodial mula sa  Camp Crame,  na dito ito nakulong mula pa noong Sabado at dalhin sa  Quezon City Regional Trial Court  kung saan nahaharap ito sa kasong  illegal possession of firearms and explosives  na isinampa naman ng  Department of Justice (DOJ).

Matatandaan  na si Valera ay naaresto noong Biyernes ng gabi  matapos na mapansin ng mga awtoridad na walang plaka ang gamit nitong  luxury cars na  Chevrolet Suburban.

Nang inspeksiyunin ang sasakyan nito, nadiskubre ang matataas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng limang .45 caliber pistols, fully-loaded na  MP-5 submachine gun at ilang fragmentation grenade na walang kaukulang mga papeles.

Agad namang inamin ni Valera  na kanya  ang mga baril subalit itinanggi nito na sa kanya ang nakuhang granada.

Si Valera ay magugunitang itinuturo ng naarestong suspect na si  Rufino Panday, na umano’y nag-utos sa kanila para patayin si Abra Congressman Luis Bersamin Jr. kapalit nang kabayarang P5 milyon.

Itinatanggi ito ni Valera, kasabay pa nang pagsasabing wala siyang kinalaman sa pagpaslang kay Bersamin na isang malapit na kamag-anak.

Magugunita na pinatay si Bersamin  at ang bodyguard nito matapos na dumalo sa kasal  ng kanyang pamangkin na anak ni Court of Appeals Justice Lucas Bersamin noong Disyembre 16 sa  Mt. Carmel Church sa New Manila , Quezon City.

Kaugnay nito, humihingi rin ng security si Valera sa PNP matapos namang makatanggap ito ng sunud-sunod na pagbabanta sa kanyang buhay makaraang madawit sa pagpasalang sa Kongresista.

vuukle comment

ABRA CONGRESSMAN LUIS BERSAMIN

ABRA CONGRESSMAN LUIS BERSAMIN JR.

ABRA GOVERNOR VICENTE VALERA

BERSAMIN

CAMP CRAME

CHEVROLET SUBURBAN

COURT OF APPEALS JUSTICE LUCAS BERSAMIN

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

VALERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with