^

Metro

Ina pinatay, inilibing ng anak sa loob ng bahay

-
Isang 63-anyos na ina ang pinatay sa sakal at inilibing ng kanyang sariling anak sa loob mismo ng kanilang bahay makaraang magalit ang huli sa ginawang paniningil sa kanya ng kanyang ina sa P1,000 pagkakautang, kamakalawa sa Taguig City.

Kinilala ang biktimang si Marcelina L. Cajigas, nakatira sa #75 Daang Bakal St., Purok North Daang Hari, Brgy. Bagong Tanyag, ng lungsod na ito.

Nadakip naman ng pulisya at sinampahan ng kasong parricide ang suspect na si Jorge Cajigas, 24, ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Ehron Balauat, ng Criminal Investigation Unit (CIU), Taguig City Police, naganap ang insidente sa bahay mismo ng mag-ina sa 75 Daang Bakal St., Purok North Daang Hari, Brgy. Bagong Tanyag. Nabatid na noong Disyembre 25, araw ng Pasko ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina dahil sinisingil ng biktima ang suspect sa utang nitong P1,000.

Nagalit ang suspect at may hinala ang pulisya na sa nasabing petsa rin isinagawa ng suspect ang pagpatay sa sariling ina sa pamamagitan ng pagsakal dito gamit ang isang nylon cord.

Kamakalawa lamang ng hapon, nadiskubre ang krimen, nang hanapin ng mga kapatid ng suspect dito ang kanilang ina dahil ilang araw na nilang hindi nakikita.

Nagduda ang magkakapatid na Cajigas at lalo silang kinabahan nang makita sa kanilang bahay na may bagong simento.

Kung kaya’t agad na humingi ng tulong ang magkakapatid na Cajigas upang tibagin ang bagong simento sa loob ng kanilang bahay.

Gumuluntang sa kanila ang bangkay ng kanilang ina, na dito pala inilibing ng kanilang kapatid na si Jorge matapos itong patayin sa sakal. Nadakip ng mga kagawad ng pulisya ang papatakas na sanang suspect. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG TANYAG

BRGY

CAJIGAS

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DAANG BAKAL ST.

EHRON BALAUAT

INA

JORGE CAJIGAS

LORDETH BONILLA

PUROK NORTH DAANG HARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with