^

Metro

Balasahan sa QCPD, sinimulan

-
Sinimulan na ni Quezon City Police District Director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang balasahan sa hanay ng kanyang pulisya upang mas lalo pang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa mga residente at mabawasan ang kriminalidad sa lungsod.

Ayon kay Gatdula, ilan sa mga binalasa ay sina Criminal Investigation Division chief, Supt. Popoy Lipana na itinalaga bilang hepe ng Cubao Police Station habang si Supt. Bernabe Balba ng Cubao ay itatalaga bilang hepe ng District Intelligence and Investigation Division.

Kasabay nito, sinabi ni Gatdula na pagtutuunan din niya ng pansin ang terorismo upang mabigyan ng sapat na seguridad ang mga naninirahan sa lungsod.

Ang kampanya ni Gatdula ay sinuportahan naman ni QC Mayor Feliciano Belmonte sa pagsasabing handa itong magbigay ng anumang suporta na kakailanganin ng pamunuan ng QCPD.

Sinabi ni Gatdula na inaasahan din niya ang kooperasyon ng kanyang mga pulis upang mapanatili ang pagiging "friendly district" ng Quezon City. (Doris Franche)

vuukle comment

BERNABE BALBA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CUBAO POLICE STATION

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DORIS FRANCHE

GATDULA

MAGTANGGOL GATDULA

MAYOR FELICIANO BELMONTE

POPOY LIPANA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with