^

Metro

Trader pumalag sa holdap, patay

-
Isang trader ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong lalaki saka tinangay ang kanyang dalang pera at ibang mahahalagang kagamitan habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa MCU Hospital ang biktima na kinilalang si Molina Meloria, 36, may-ari ng isang junkshop at nakatira sa Rose St. Reparo, Baisa ng nasabing lungsod.

Si Meloria ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa likod at ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi habang papauwi na ang biktima sa kanyang tahanan galing sa paniningil ng pautang nang bigla na lamang sumulpot ang tatlong lalaki sakay sa isang motorsiklo at saka tinutukan ng baril ang biktima.

Pilit na kinukuha ng mga suspect ang dalang handbag ng biktima, ngunit pumalag ang ginang kaya agad itong niratrat ng mga suspect at nang bumulagta ay mabilis na kinuha ng mga holdaper ang cash, cellphone at iba pang mahahalagang gamit ng biktima. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

BAISA

BINAWIAN

CALOOCAN CITY

ELLEN FERNANDO

ISANG

MOLINA MELORIA

PILIT

ROSE ST. REPARO

SI MELORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with