^

Metro

1 pang ‘chop-chop’ victim, natagpuan sa QC

-
Isa na namang pinagputul-putol na katawan ng lalaki ang natagpuan sa Quezon City kahapon.

Unang nakita dakong alas-6:30 ng umaga ang kaliwang binti ng lalaki na may nakaguhit pang larawan ng babae na may pangalang "Perlin". Nakabalot ito sa isang plastic bag at itinapon sa kahabaan ng J. Garcia sa panulukan ng Panay Avenue, Brgy. Paligsahan ng nasabing lungsod.

Ganap na ala-1 naman ng hapon nang matagpuan ang isa pang torso ng lalaki na nakasilid din sa isang plastic bag. May tattoo itong "Leo", "Ambet", "Egay", "Lito", "Muñoz", "Andrew" at "Bait".

Kamakalawa isa ring pinagputul-putol na katawan ng lalaki ang natagpuan na ikinalat sa nabanggit na lungsod.

Inaalam pa ng pulisya kung may koneksyon ang natagpuang dalawang chop-chop victim at kung ano ang posibleng motibo sa pagpaslang sa mga ito.

Nasa pangangalaga na ng SOCO ng QCPD ang mga natagpuang putol-putol na katawan. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

AMBET

ANGIE

BRGY

CRUZ

EGAY

GANAP

GARCIA

PANAY AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with