^

Metro

Sa Nursing Leakage: 2 examiner pinakakasuhan

-
Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman na sampahan na ng kaso ang dalawang examiner ng Board of Nursing (BON) dahil sa pagpapalabas ng leakage sa nakaraang June 2006 Nursing Licensure Examinations (NLE).

Kinilala ang dalawang pinasasampahan ng kaso ng NBI Anti- Fraud and Computer Crimes Division na sina Anesia Dionisio at Virginia Madeja na maaaring maharap sa paglabag sa Republic Act 8981 (Professional Regulation Commission Modernization Act )at Republic Act 3019 (Anti- Graft and Corrupt Practices Act).

Base sa ulat ng NBI, hindi nila tinatanggap ang alibi ni Dionisio na nawala niya ang orihinal na kopya ng kanyang mga test question matapos na hindi agad nito iniulat ang insidente sa Professional Regulatory Commission at sa BON mismo.

Hindi rin naman tinanggap ng ahensya ang katwiran ni Madeja na maaaring nakopya ang kanyang manuscript habang ipinapa-photocopy niya ang mga test question sa isang computer shop na maaaaring pinag-ugatan ng leakage.

Lumalabas sa imbestigasyon ng NBI na tumutugma ngayon ang kanilang mga resulta sa lumabas na nauna nang imbestigasyon ng PRC na sina Dionisio at Madeja ang posibleng responsable sa naturang leakage. Lumabas rin sa imbestigasyon na PRC na posibleng may kaugnayan si dating Philippine Nurses Association President George Cordero dahil sa pagbabayad umano nito ng P7 milyon para makakuha ng kopya ng mga nag-leak na tanong, ayon sa testimonya ng mga saksi. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANESIA DIONISIO

BOARD OF NURSING

DANILO GARCIA

DIONISIO

FRAUD AND COMPUTER CRIMES DIVISION

GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

MADEJA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NURSING LICENSURE EXAMINATIONS

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with