^

Metro

Imelda matanda na para maging Alkalde – Lacuna

-
Hindi nababahala si Manila Vice-Mayor Danilo Lacuna sa deklarasyon ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa pagtakbo sa 2007 bilang Alkalde ng lungsod.

Direktang sinabi ni Lacuna na hindi ‘threat’ si Imelda dahil matanda na umano ang dating Unang Ginang upang maging Alkalde.

Sa kabila nito, inamin din ni Lacuna na posibleng magkaroon ng koalisyon sa pagitan ni Manila Mayor Lito Atienza at ng kanyang grupo sa darating sa eleksyon dahil pinag-uusapan nila ang naturang plano.

"Malaki naman ang posibilidad dahil hindi naman kami magkaaway ni Mayor Atienza at malaki ang tiyansa na maganap ito," dagdag pa ni Lacuna.

Iginiit pa nito na mas kinokonsidera niyang mahigpit niyang makakalaban ang sinumang ieendorso ni Atienza sa pulitika kaya’t kung magsasama sila ay may malaking puntos na maging "winnable candidate".

Magugunitang dumarami ang lumulutang na pangalan na nagnanais sa puwesto ng pagiging Alkalde sa lungsod ng Maynila. Nauna nang lumutang ang pangalan ni Sen. Panfilo Lacson, Mark Jimenez, at ngayon nga ay si Imelda. (Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

ALKALDE

GEMMA AMARGO GARCIA

IMELDA

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA VICE-MAYOR DANILO LACUNA

MARK JIMENEZ

MAYOR ATIENZA

PANFILO LACSON

UNANG GINANG

UNANG GINANG IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with