^

Metro

Peewee et. al. bababa na!

- Angie dela Cruz, -
Kung kamakalawa ay nagmatigas at buo ang paninindigan na hindi bababa, biglang naiba ang tono ng desisyon ni Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad at ng bise alkalde nito, sampu ng kanyang mga konsehal makaraang pormal na inihayag ng una kahapon sa harapan ng media na bababa na sila ng may hinahon, sa kanilang pwesto bilang paggalang umano sa kautusan ng Ombudsman sa anim na buwan nilang suspensyon.

Nangako si Trinidad na sa kanilang pagbaba ay magiging normal ulit ang sitwasyon sa Pasay City habang pansamantala silang mawawala kapag inihain ang inisyu na preventive suspension order ng Office of the Ombudsman laban sa kanila.

Tiniyak din ni Peewee na walang magaganap na kaguluhan sa kanyang hurisdiksyon sakaling maihain na sa kanila ang naturang kautusan.

Malaki naman ang paniniwala ni Peewee at ni vice-mayor Antonio Calixto; mga konsehal na sina Richard Advincula, Lexter Ibay, Jose Antonio Roxas, Ma. Antonia Cuneta, Noel Bayona, Arnel Regino Arceo, Editha Vergel de Dios, Marie Irish Pineda, Generoso Cuneta at Greg Paolo Alcera na isinasangkot sa umano’y P464.6 milyong anomalya sa kontrata ng basura na mawawalang saysay ang isinampang reklamo laban sa kanila ni Barangay Captain Juanito del Mundo.

Ikinatwiran pa ni Peewee na nakasaad umano sa ordinansa na inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang naturang kontrata at dumaan aniya ito sa tamang proseso.

Samantala, ayon naman kay P/S Supt. Marieto Valerio, hepe ng Pasay City Police na 80 porsiyento ang itinalaga niyang mga pulis sa besinidad ng Pasay City Hall upang magmantina sa peace and order dito.

Tiniyak din ni Valerio na bibigyan nila ng proteksiyon ang mga supporters ni Peewee na nagbi-vigil at nagra-rally sa harapan ng city hall.

vuukle comment

ANTONIA CUNETA

ANTONIO CALIXTO

ARNEL REGINO ARCEO

BARANGAY CAPTAIN JUANITO

EDITHA VERGEL

GENEROSO CUNETA

GREG PAOLO ALCERA

JOSE ANTONIO ROXAS

LEXTER IBAY

MARIE IRISH PINEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with