^

Metro

Cook patay sa sunog

-
Isang 20-anyos na cook ang nasawi, habang tinatayang aabot sa isang milyong piso ang naabo matapos ang sunog na naganap sa isang food chain na pinaglilingkuran ng una dahil sa pagsabog ng isang tangke ng LPG kahapon ng umaga sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Efren Valdez na nakulong at na-suffocate sa loob ng Tapa King na matatagpuan sa panulukan ng P. Burgos St. at Makati Avenue ng nabanggit na lungsod.

Tinatayang aabot naman sa P1 milyon ang halaga ng ari-arian na natupok sa sunog.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:50 ng umaga sa kitchen ng nabanggit na food chain habang nagluluto si Valdez nang biglang sumabog ang tangke ng LPG.

Hindi na nagawa pang makalabas ng biktima dahil sa makapal na usok. Gayunman hindi na nadamay pa ang mga kalapit establisimento nito makaraang maagapan ng mga pamatay-sunog. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BURGOS ST.

EFREN VALDEZ

GAYUNMAN

ISANG

LORDETH BONILLA

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

NAKILALA

TAPA KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with