^

Metro

Nagbigti dahil sa kahirapan

-
Pagbibigti sa sarili ang naisip na solusyon ng isang 18-anyos na binata upang matakasan ang matinding gutom at paghihirap sa buhay. Batay sa ulat, dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang nakabitin na bangkay ng biktimang si Rusty Rolloda, out of school youth ng Block. 24, Lot 61, Phase 2, Area 2, Kaunlaran Village, Navotas. Pinagdugtong-dugtong na damit ang ginamit nito sa kanyang pagbibigti. Ayon sa ama nito na si Mang Rustico, marahil ay hindi na nakayanan ng kanyang anak ang dinadanas nilang matinding gutom simula ng manalanta sa kanila ang bagyong si Florita. May araw umano na asin lamang ang kanilang kinakain. Bago matuklasan ang ginawa nitong pagpapakamatay ay napansin na ni Mang Rustico na walang kibo at tulala ang kanyang anak. Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para matiyak kung walang naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Rose Tamayo)
Bebot nanipa ng holdaper, binoga sa ulo
Nasawi ang isang hindi pa nakikilalang babae nang barilin ito sa ulo matapos na pumalag at sipain ang isa sa dalawang holdaper sa loob ng isang pampasaherong jeep, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila. Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang nasa gulang na 20-25 anyos, katamtaman ang katawan, maputi at nakasuot ng itim na backless na damit at pantalong maong. Naganap ang insidente dakong alas-6:25 ng umaga sa panulukan ng J. Nakpil St. at Taft Avenue sa Ermita kung saan sakay ang biktima ng pampasaherong jeep na may plakang DHU-105 na minamaneho ni Bayani Salazar. Apat na pasahero umano ang sakay sa naturang jeep nang sumakay ang dalawang holdaper na armado ng mga baril at isa-isang kinuha ang mga gamit at pera ng mga pasahero. Pumalag ang biktima at sinipa pa nito ang isa sa mga suspect dahilan upang barilin ito sa ulo. Mabilis na pumuga ang mga suspect sa tapat ng Phil. Women’s University, habang isinugod naman sa PGH ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay. (Danilo Garcia)

vuukle comment

APAT

BAYANI SALAZAR

DANILO GARCIA

ERMITA

KAUNLARAN VILLAGE

MANG RUSTICO

NAKPIL ST.

ROSE TAMAYO

RUSTY ROLLODA

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with