^

Metro

Drag racing wawalisin sa QC

-
Naglunsad ng all out war campaign si Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista kaugnay sa patuloy na drag racing na nagaganap sa ilang lugar sa lungsod sa kabila ng pagbabawal dito ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Bautista na matagal nang hindi pinapayagan ang drag racing sa lungsod dahil na rin sa panganib na dulot nito ngunit patuloy na nakakalusot ang ilang mga pasaway na kabataan na mahilig magkarera ng kanilang mga sasakyan partikular na sa madaling-araw.

Bukod sa panganib ay nakakaistorbo pa ang ingay ng mga sasakyan ng mga ito sa mga natutulog ng mga kabahayan sa lugar na kanilang pinagsasagawaan ng karera.

Kaugnay nito, isang resolusyon ang pinag-aaralan ngayon ng Sangguniang Panglungsod upang higit na patalimin ang pangil kaugnay sa batas na nagbabawal sa drag racing.

"Ang problema kasi dito, masyadong malambot ang parusa kaya ganun-ganon na lamang kung balewalain ng mga kabataan na kadalasan ay kabilang sa mayayamang pamilya", pahayag pa ni Bistek.

Sa kasalukuyan, sa ilalim ng local government code, isang taong pagkabilanggo lamang at multang P5,000 ang ipinapataw na parusa sa mga nasasangkot dito, kung maitataas ang parusa siguradong magkakaroon ng takot ang mga gumagawa nito.

Hinikayat ni Bautista si CPD director Nicasio Radovan na patindihin ang police visibility upang mapalakas ang kampanya laban sa drag racing sa lungsod, gayundin sa mga street crimes. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BAUTISTA

BISTEK

BUKOD

CRUZ

HINIKAYAT

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY VICE-MAYOR HERBERT BAUTISTA

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with