^

Metro

Buntis, 2 pa tupok sa sunog

-
Nalitson ng buhay ang isang buntis, habang pinangangambahan namang natusta rin ang dalawa pa katao kabilang ang isang nene nang masunog ang mahigit sa 500 kabahayan, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Halos hindi na makilala pa sanhi ng labis na pagkatusta ang ginang na nakilalang si Aileen Taneo, 24, ng Kadima St., ng nabanggit na lungsod nang marekober ng search and rescue team ang sunog na bangkay nito sa natupok niyang bahay.

Habang isinusulat naman ang balitang ito ay patuloy pa ring ginagalugad ng search and rescue team ang mga natupok na kabahayan sa nabanggit na lugar upang hanapin ang isang 12-anyos na batang babae na kinilala lamang sa pangalang Roseann at isang lalaki na kinilala lamang sa pangalang Sonny, 34.

Isang bumbero naman ng Caloocan City fire station na si FO3 Alfredo Santos ang nagtamo ng 1st degree burn makaraang tamaan ito ng nagliliyab na sumabog na tangke ng LPG.

Sa panayam kay Chief Inspector Rod Reyes, Malabon City fire marshal, dakong alas-4:30 kahapon ng madaling-araw nang mag-umpisang masunog ang bahay ng isang Edwin Erfe sa nabanggit na lugar makaraang makatulugan nito ang sinindihang kandila. Dahil sa pawang gawa sa kahoy ang mga kalapit-bahay at bunsod ng malakas na ihip na hangin ay mabilis na kumalat ang apoy na ikinadamay ng may 500 pang kabahayan.

Tumagal ng mahigit sa anim na oras ang sunog na tumawid pa sa kabilang kalye sa Damata St.

Tinatayang aabot sa P15 milyon halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na umabot sa Task Force Charlie ang alarma at naapula lamang dakong alas-10:17 ng umaga. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring hinahanap ng mga awtoridad ang dalawa pang biktima na pinaniniwalaan ding natupok sa sunog. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AILEEN TANEO

ALFREDO SANTOS

CALOOCAN CITY

CHIEF INSPECTOR ROD REYES

DAMATA ST.

EDWIN ERFE

KADIMA ST.

MALABON CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

TASK FORCE CHARLIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with