^

Metro

Naonse na, pinatay pa

-
Isang empleyado ang napatay sa saksak ng isang karpintero na kanyang sinisingil sa pagkatalo sa kanilang pustahan sa laban nina Manny Pacquiao at Oscar Larios, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Patay na ng idating sa Las Piñas Medical Center si Jose Noel Roquero, 21, nakatira sa Chesa St., Golden Acres, Brgy. Talon Uno ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang saksak sa katawan.

Samantala, sugatan din sanhi naman ng tama ng baril sa katawan ang suspect na si Gerson Ramirez, 54, ng nabanggit ding lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Willy Dalawangbayan, ng Criminal Investigation Unit (CEU) ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa Chesa St., Golden Acres Subdivision ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bago ito, nagpustahan ang dalawa sa labang Pacquiao at Larios ng halagang P1,000. Tumaya ang nasawing si Roquero kay Paquiao, habang si Ramirez naman ay kay Larios.

Nanalo sa pustahan ang biktima at sinisingil nito ang P1,000 pusta si Ramirez, subalit tumangging magbayad ang huli. Dahil sa ginawang pang-oonse sa kanya ay nagalit si Roquero at binaril si Ramirez, bagamat sugatan naman si Ramirez ay nagawa nitong makalapit kay Roquero at pinagsasaksak ito.

Kapwa isinugod ang mga ito sa nabanggit na pagamutan subalit mas napuruhan ng saksak si Roquero na naging sanhi ng kamatayan nito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CHESA ST.

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

GERSON RAMIREZ

GOLDEN ACRES

GOLDEN ACRES SUBDIVISION

JOSE NOEL ROQUERO

LAS PI

RAMIREZ

ROQUERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with