^

Metro

Bebot tsinap-chop, sinilid sa bag

-
Isa na namang putul-putol na katawan ng babae ang natagpuan sa loob ng isang travelling bag na iniwan sa compartment ng isang taxi kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na ulat, wala ang ulo at dalawang braso ng biktima. Hinihinala ng pulisya na posibleng hindi magkasya sa pinaglagyang bag ang ulo ng biktima kung kaya tinapyas ito ng salarin.

Ayon kay Edison Tapiding, driver ng ABC taxi, isang may katabaang babae ang sumakay sa kanya sa panulukan ng Pugad Lawin St., Project 8, Quezon City. Dala nito ang isang malaking travelling bag at nagpahatid sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Tapiding na hindi niya namalayang naiwan pala ng pasahero ang naturang maleta at nang kanya itong buksan ay doon tumambad sa kanya ang torso ng isang babae.

Wala itong saplot sa katawan at hinihinalang binanlian pa ng mainit na tubig dahil sa lapnos ang mga balat nito.

Ang biktima ay may kaputian at ipinapalagay na may ilang araw nang patay dahil wala na halos tumatagas na dugo mula sa pinaghati-hating katawan.

Puspusan naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang suspect. Ang suspect ay tinatayang nasa gulang na 35-anyos, may katabaan, 5’5 talampakan ang taas at may puntong Ilongga ang pananalita.

Nakikipag-ugnayan na rin ang QCPD operatives sa NAIA management upang busisiin isa-isa ang surveillance camera sa airport na maaaring maging daan para makilala ang suspect. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CRUZ

DALA

EDISON TAPIDING

HINIHINALA

ILONGGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PUGAD LAWIN ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with